KOOP KAPATID MENTORSHIP PROGRAM – MOA SIGNING

Opisyal nang nilagdaan ang Memorandum of Agreement para sa Koop Kapatid Mentorship Program, ngayong Abril 29, 2023 sa CEMCDO Conference Room.

Ang Koop Kapatid Mentorship Program ay programa ng Local Government ng General Santos City sa pamamagitan ng City Economic Management and Cooperative Development Office kasama ang Cooperative Development Authory RXII.

Ang nasabing program ay naglalayon na tulungan at pahusayin ang pamamahala ng kooperatiba, pagpapatakbo ng negosyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng teknikal, pananalapi, o iba pang uri ng tulong sa mga maliliit na kooperatiba.

Sa mensahe ni Assistant Department Head ng CEMCDO, Mr. Jose Kevin Sienes, malugod syang nagpasalamat sa mga dumalo at nabanggit nya na dapat ang mga “maliliit” at “malalaking” kooperatiba ay magsama-sama at magtulong-tulong kasama ng Local Government of General Santos City sa paglikha ng mga gawain at proyekto na makatutugon sa pangangailangan at pagpapaunlad ng mga kooperatiba.

Nagbigay rin ng mensahe si City Councilor, Hon. Edgar Acharon, kinilala ang mga dumalo at nagpasalamat sa tulungan ng mga nasabing ahensya at ng mga kooperatiba.

Ang Chairperson ng FNHS Personnel Multi purpose Cooperative na si Maam Nenita Biboso at ang Vice Chairperson ng MMC Multi purpose Cooperative na si Sir Ronald Braza, ang opisyal na lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) bilang SMALL BROTHER at BIG BROTHER, ayon sa

pagkakabanggit.

Naroon din sa naturang programa si Ms. Lessa Barcelona, si Ms. Juriski Mangelen ng CDA XII, at si RD Engr. Doreen Ancheta at iba pang mga kinatawan ng Kooperatiba.

Posted in

gensancoopoffice@gmail.com